Monday, November 21, 2016

Late Reaction

About this Marcos burial...di ako loyalista at di rin naman ako anti-Marcos, gusto ko lang ilagay ang mga bagay bagay sa tamang konteksto. Sabi ng mga maka DU30 na minsan maka Marcos na din Korte Suprema na ang nag desisyon para malibing si Apo Macoy sa LNMB, pero me kulay pulitika din kasi yang SC natin, imagine sila sila din yung pumabor para makalaya si (Enrile ba?). Mga appointeed sila ni GMA (kung tama nabasa ko ha). Wala ako problema kung malibing man yang si Apo sa LNMB, kasi naging sundalo din naman sha tapos ex-President din. Ang pinaglalaban naman ng mga ayaw sha malibing dun eh ang mga records nya nung President pa sha na mga human righs violations. Pero ayun na nga at nalingat sila kaya nalibing ng tahimik si Apo sa LNMB, ngayon gusto pa ipahukay (anak ng kepyas!). Sana mag move-on na lahat.


Kung me mga kaso pa na dapat ihabol sa mga Marcoses eh di isampa sa korte, kung about sa human rights chuchu..eklavu. Sana maging kuntento na ang lahat sa mga nangyayari sa ating Inang Bayan. Maayos naman pamamalakad ni Digong, kung ayaw nila sa kanya eh di lipat sila ng bansa total me kapasidad naman yung iba para mangibang bansa at tumira na dun. Sa panahon ngayon dapat pagkakaisa na ulit at itigil na ang pagkakanya-kanya at pagkakampi-kampi alam naman ng lahat na walang naidudulot na mabuti yan lalo na sa isang Demokrasyang bansa tulad ng Pinas.


Nakikisimpatya din naman ako sa kung sinu man ang nakaranas ng kalupitan or pananakot, pagmamaltrato nung panahon ng Martial Law. Kahit di ko naman personally naranasan, siguro nga para sa iba impiyerno ang buhay noon lalo na at oposisyon ka ng gobyerno. Pero sana magkaroon na ng "closure" para naman makapag move forward na ang ating bansa. Nabigyan naman na ata ng tamang pagkilala ang mga biktima, kasi sila ang naging tugon para wakasan ang pagiging diktador ni Apo, at di rin naman nakakalimot ang mga Pinoy.


Yan na muna at papakainin ko muna mga alagang bibe.


Bayeee!!

Thursday, November 10, 2016

Sooner or Later?

This ME crises had befallen some OFW's and I might endure it sooner than I expected. But then again, I will be forever grateful for all the memories and experiences I had during my stay in this country. Might be this year or this month, who knows?

Monday, November 7, 2016

Bakasyon 2016

I'm back from my annual vacation in my home country (The Philipines).
Kakatamad pang pumasok, parang ansarap pang maglakwatsa sana sa Pinas, kaya lang 1 month lang talaga ang binigay na bakasyon sa akin. Kung yayamanin na sana ako, eh di mag stay na ako for good sa Pinas para maka gala to infinity..hmppp! Dami kong namissed na prediction games sa Misso, di kagandahan ang signal ng 3G sa probinsha kaya di ako makapag online lage. Anyways, super enjoy ang aking bakasyon kasi nagawa ko ang maka attend sa tatlong reunion ng mga batchmates ko (Elementary, HS at College) oh davah, saya saya! At siempre nag bonding bonding kami ng anak ko at labing labing ng misis ko, hehehe. Hoping na nagbunga pagpapakapagod namin ni misis ng ilang gabi...charrr!! At sana next baby eh boy naman. Eto balik na naman sa maumay na pagkain ng manok, baka, isda at gulay sa KSA. Wala naman kasi baboy dito...kakasad! Yan na muna at me puntahan pa me..


Bayeeeee..!!