Tuesday, August 7, 2018

divisoria

eto ang lugar kung saan ko unang naransan ma culture shock. bilang batang laking probinsya na di man lang nakakasilay ng kahit anong de-apat na gulong na sasasakyan, ng matuntong ako dito ay di ko alam kung ano mararamdaman ko masaya or matatakot. sa dami ng tao at sa sobrang gulo pakiwari ko ba eh eto na yung sentro ng buong pilipinas. siguro mga edad 9 na ako unang nakarating ng maynila at kasagsagan pa ng edsa people power nun kaya me mga nalalabi pang putukan at minsan eh ugong ng rally. sa divisoria halos lahat ng hinahanap mo makikita mo na, laruan, damit, gulay, chichirya, sapatos, prutas at kahit ano pa man hanapin mo ikot ikot ka lang for sure makakakita ka. nung tumira na kami ng coron, at me tindahan ang mama ko sa palengke dito sha madalas mamakyaw ng mga damit saka sa baclaran. kaya nung me trabaho na ako sa makati at lumuluwas sha ng maynila minsan sinasamahan ko sha mamili dito, minsan naiinis pa ako sa kanya kasi ikot kami ng ikot kung saan sha makakakita ng hinahanap nya na makakamura sha, tapos ako naman dabog ng dabog. (i could have brought unlimited patience and understanding huhuhu..) ngayong wala na mama ko sobra ko sha namimiss at minsan pag nagagawi ako sa divi umaasa ko na sana once makita ko sha na andun na namimili...ohh am sad.

Source : Google/StreetView



Bayeee!!!

No comments:

Post a Comment