Tuesday, May 31, 2016

kanta muna tayo

Kids..1 2 3...Awit!!


Tatlong Bibe

May tatlong Bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,
Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,



Tayo na sa ilog ang sabi
Kumending ng kumending
Ang mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,
Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,



May tatlong Bibe akong nakita
Mataba, mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak
Sa likod ay iisa
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,
Kwak, kwak, kwak.
Kwak, kwak, kwak.
Siya ang lider na nagsabi ng Kwak, kwak,



*kantahin nyo at nasa Videokeman yan.

smorgasbord

Paratang, ayan marami dyan magaling sa paratang pero hirap na hirap naman patunayan. Meron daw dinagdag na boto ke Mar na 500K sa Quezon province eh bakit ang total votes lang ni Mar sa Quezon eh 200K + lang, ano to? Gaguhan lang. Ayaw pa tumigil talaga eh, kahiyaan na kasi nalaman nila ngayon na ayaw sa kanila ng madlang Pipol pero todo pa rin pag pupumilit na nadaya siya. Move on na tayo, jusme 2016 na!!





At ano na naman tong revelation kuno ni fafa P na he had previous involvement sa mas older sa kanya na babae, the hell the beki care basta buo na kanilang balintataw na kafatid yang si fafa P. Anyways, wag tayong judge, baka ma judge din tayo.




Matapos makoronahan si Bb. Maxine Medina nuong April 17 bilang kinatawan ng bansa sa Miss Universe na magaganap bago matapos ang taon, ang susunod naman inaabangan na kokoronahan eh ang papalit ke Miss Olivia Jordan (Miss USA 2015 at Miss Universe 2015 - 2nd RU). 52 ang kandidata ngayon na me bagong pa eklat ang MUO/IMG na karagdagang kandidata : si Miss 52 (Alexandra Miller). Sad ako kasi ang bet ko sa title na si Miss Allie Dunn (North Carolina) eh nag back out because of health reason, pinalitan sha ng 1st RU. Mahirap mamili actually kasi madami magaganda at stunning!

Eto na ngayon bago kong bet mag title sa Miss USA
(Wisconsin - Miss Kate Redeker)

Kung nais nyo masilayan mga kandidata para sa patimpalak na eto pindutin mo lang dito

MISS UNIVERSE ALBANIA 2016 2-Jun
MISS WORLD NEW ZEALAND 2016 4-Jun
MISTER NATIONAL (FRANCE) 2016 5-Jun
MISS U.S.A 2016 5-Jun
MISS ISRAEL 2016 6-Jun
MISTER SLOVENIA 2016 8-Jun
MISTER SUISSE FRANCOPHONE 2016 11-Jun
MISS UNIVERSE CANADA 2016 11-Jun
Ayan ang mga nakapilang pageant upto the time na sinusulat ko to.
At kung nais mo rin masundan ang mga latest sa mundo ng pageantry sali ka na sa pinaka pamosong site at pwede ka pa jumoin sa kanilang mga games (predictions) saka trivias gawa ka lang ng account at voila...memberlu ka na. Eto sundan mo dito

Meron ako collections ng movies na ikagugulantang mo kung gaanu na karami, pero iba iba ang quality meron from VHS copies, DVD, BluRay pero walang cinema copies kasi masakit sa mata. Eto nga pala eh mga download ko (sssshhh...wag maingay ha gamit ko torrents). Wala naman ako intensiyon gawing negosyo kundi personal collection lang kaya wag ng ipag-maingay..atin atin lang. Hahaha! Paborito ko silipin kung me nais ako malaman tungkol sa isang pelikula eh ang IMDB kasi isa sila sa pinaka kumpleto at pinagkakatiwalaang source about movies at siempre nakakatulong din minsan wikipedia.


Sa latest ranking ng fb "community page" na sinalihan ko about piano tiles 2 nasa top 40 ako kaya happy pianista akembang. Kinakarir ko pag pipindot ng tiklado sa phone para sa crowns and stars (ayan me kunek pa rin sa pageants at showbiz).


So ayan na muna at tinatawag na ako ng amo ko, para magsilbi sa karinderya!

Bayeeee!!!

Monday, May 30, 2016

Kapulutan sana ng aral...

Wento ko lang about sa kalagayan namin dito sa abroad, minsan pag susuwertehin ka magiging masaya ka pero minsan talaga pag mamalasin talagang iiyak ka na lang. Eto isa wento na sana kapulutan aral ng mga nagbabalak mangibang bansa (lalo na dito sa ME). Sa PDOS pa lang naman pinaalam na mga kabawal-bawalan sa bansang pupuntahan mo, pero talagang sadyang minsan matigas ulo ng mga Pinoy (oldo di naman lahat).

Nangyari eto unang buwan ng taon na to, si kabayan eh kakilala ko rin. Tipikal na empleyado tapos mahilig mag gym (pampaganda ng katawan at para na rin sa kalusugan). Nakatira siya sa flat kasama ang 3 pa or 2 pang flatmates (tag isa ng room). Pasensha na kayo mahilig ako gumamit ng parentheses ha. One day, si kabayan hindi nakapasok walang nakakaalam sa job site nya kung bakit, mga flatmates nya ibang planta nag wowork. Si kabayan me sasakyan at mahilig din makiparty sa mga kapwa Pinoy minsan sa mga me family at minsan sa mga tropang bachelor (me ganun kasing paghihiwalay dito sa bansang eto - mahirap unawain pero papaliwanag ko pag me time hehehe). So nagtataka na mga tropa nya sa job site kasi nga bakit wala sha paramdam kung papasok man siya or hinde. Meron din shang mga pasahero sa sasakyan nya everyday at tawag ng tawag pero ring lang ng ring phone nya. Pati family nya nagtataka na rin kasi daily nag ffb chat sila ng nanay nya, pero that day wah paramdam so super alala na rin (imagine ang feeling nung ganun..mag aalala ka talaga).


So di nakatiis tropa niya pinuntahan ngayon sa bahay nya during office hour..so for sure walang tao dun lahat nasa work, so di sila nakapasok sa haus, pero pinagtataka nila andun ang sasakyan ni kabayan. Hala, ano kaya nangyari? Oh eh di bumalik na lang mga tropa nya na wala rin nakuhang malinaw na kasagutan kung asan si kabayan. Then, dumating ang hapon uwian ng mga manggagawa, sinugod talaga ng tropa nya yung lugar at kabadong kabado ang lahat kasi nga baka pag bungad/bukas sa room nya baka di maganda makita. Di basta basta magbukas ng room dito hanggat di naka witness ang me ari ng haus or mga alagad ng batas (mahirap na, tama din naman di ba?). Nakadagdag pa sa kaba eh bakit naka bukas AC ng room, eh ang alam ng mga kasama nya sa flat never umaalis ng haus yun ng di pinapatay ang AC sa room nya so ang hinala ng lahat andun sha (kung ano man situwasyon suspense ito!). Sinira kandado, binuksan ang pinto...ang nakita nila bakanteng kuwarto! So ang tanong ngayon asan si kabayan? Super hanap ngayon ang mga kaibigan saka meron din shang tropa na katutubo sa bansang eto. Super hanap, sa mga beach, sa mga malls sa mga kakilala, sa mga posibleng puntahan then naisip nung katutubo ipagtanong sa himpilan ng Pulisiya at dun nila nalaman na si kabayan ay nakakulong pala. 


Anong kaso itatanong nyo siguro? Hanggang ngayon nga palaisipan pa sa amin kung ano talaga tunay na kaso nya bakit sha hinuli. Maraming haka haka at chizmis na kumalat at ang iba eh talagang mga kakatwa. Ilan dito ay :

> droga
> "inappropriate" massage
> me na meet na tao na under surveillance pala
> at iba pa.

Ayaw kong maghusga kung ano klase tao si kabayan kasi di ko naman sha bantay sarado sa kilos 24 hrs. Pero madami ang sitsit na yung pangalawa ang dahilan kung bakit sha hinuli. Alam nyo na siguro kung ano ibig sabihin nun anoh. Ang kabayan tinutukoy ko eh lalake at ang parukyano kuning kuning eh katutubong lalake din. Wag tayo manghusga di naman tayo judge. Kung ano pa man ang naging kinalabasan ng imbestigasyon nasa kinauukulan na yun, at para malaman nyo hanggang sa sinusulat ko tong post na to eh nasa piitan pa rin si kabayan. 


Ang aral na pinaka malinaw na makikita mo dito ay ang wag magbigay ng lubusang pagtitiwala sa mga taong di mo pa lubos na kilala, lalo na yung nameet mo lang sa kung saang lugar, Di mo alam pagnagkagipitan na madidiin ka kasi sinu ba mas panniniwalaan di ba kundi yung katutubo dito. Kaya dapat talaga maging mapagmatyag at maging maingat sa ating sarili.


Sa pagwawakas ng lathalaing eto, gusto ko lang sabihin na wala ako intensiyon na magpahiya ng tao dahil sa totoo lang di naman ako lubusang kumbinsido na dahil nga dun kung bat sha nakulong. Yun lang ang malakas na chizmax. Kung sakali mabasa nya to, sana di nya masamain. Gusto ko lang maghayag ng wento na sana kapulutan ng aral ng ibang kababayan na andito na or nagbabalak pa lang na pumunta dito na ang batas sa mga ganitong bansa ay mahigpit na pinatutupad di tulad sa kinalakhan natin na pwedeng aregluhin basta me koneksiyon ka at pera, sana di na sa panahon ni Pangulong Digong ganun anoh.


Sa sunod mejo light namang babasahin para sa ekonomiya, ganun!


Pak!


Kanta muna tayo, hanapin nyo yung "tatlong bibe"

www.http://videokeman.com/

PDOS is : Pre-departure Orientation Seminar


Bayeee!!!


*sensha na matext ang post na to.

Mabuhay!!

Eto na nga at gumawa na naman ako ng panibagong blog sana ngayon naman eh sipagin ako mag sulat araw-araw. Sa halip na puro basa lang, gusto ko rin magsulat at siyempre mas kumportable magsulat sa ating sariling wika, pero siguro minsan makakabasa din kayo ng Ingles o ng iba pang wika dito kasi nga me iba't-ibang wika sa mundong ito. Sa dati kong blog di ko napanindigan ang pag popost pero sana this time magawa ko.

Isa nga pala akong OFW at dahil medyo di naman ganun ka busy sa work kaya minsan naisisingit ang mga ganito, pero pag trabaho naman na siyempre trabaho naman tayo. Ganun tayo mga Pinoy minsan pag wala ginagawa nagpipilit maghanap ng tatrabahuhin.

Mga hilig ko ngayon eh maglaro sa phone (siempre Piano Tiles 2, Candy Crush/Soda, Flow..etc). Hilig ko din pageant, actually me account ako sa Misso at kasali ako sa mga Prediction Game/s (ganun-ganun). Isa ko pa kinahihiligan eh about genealogy, tapos like ko rin Movies, TV Series saka maglaro ulit sa FB (poker..etc).

Sa unang post ko na to, tapos na ang National Election sa Pinas for 2016, at ngayon araw yata na eto na proklama sina P-Duterte at VP-Robredo. Binoto ko si Leni pero hinde si Du30, die hard Miriam Santiago ako eh. Anyways, kahit di ko naman binoto si Du30 panalo pa rin naman siya sa dami ng supporters nya. Sa tingin ko talagang ang mga tao uhaw na uhaw na sa pagbabago kaya gusto si Du30, madami kasing mga pangako si Digong na kung iisipin mo napaka impossible naman magawa, like reresolba ang problema sa droga in 6 months? (wow eh di siya na talaga!), pero nakikita kasi ng masa na baka nga sha na ang sagot sa problema ng inang bayan, eh di sige tingnan natin. Before election sabi ko ok lang sa akin na manalo si Du30 pero di ko sha iboboto.

Saka na ako mag wento about sa paanu ako napunta ng abroad, madami pa tayong time.

Hanggang dito na muna at me iwewento pa ako sa susunod na post, kinokompose ko na. About mga nararanasan ng iba nating kababayan na nasa abroad.

Bayeeee!! :)

*di ko pag aari mga larawan at wala ako inaangkin sa mga yan.