Eto na nga at gumawa na naman ako ng panibagong blog sana ngayon naman eh sipagin ako mag sulat araw-araw. Sa halip na puro basa lang, gusto ko rin magsulat at siyempre mas kumportable magsulat sa ating sariling wika, pero siguro minsan makakabasa din kayo ng Ingles o ng iba pang wika dito kasi nga me iba't-ibang wika sa mundong ito. Sa dati kong blog di ko napanindigan ang pag popost pero sana this time magawa ko.
Isa nga pala akong OFW at dahil medyo di naman ganun ka busy sa work kaya minsan naisisingit ang mga ganito, pero pag trabaho naman na siyempre trabaho naman tayo. Ganun tayo mga Pinoy minsan pag wala ginagawa nagpipilit maghanap ng tatrabahuhin.
Mga hilig ko ngayon eh maglaro sa phone (siempre Piano Tiles 2, Candy Crush/Soda, Flow..etc). Hilig ko din pageant, actually me account ako sa Misso at kasali ako sa mga Prediction Game/s (ganun-ganun). Isa ko pa kinahihiligan eh about genealogy, tapos like ko rin Movies, TV Series saka maglaro ulit sa FB (poker..etc).
Sa unang post ko na to, tapos na ang National Election sa Pinas for 2016, at ngayon araw yata na eto na proklama sina P-Duterte at VP-Robredo. Binoto ko si Leni pero hinde si Du30, die hard Miriam Santiago ako eh. Anyways, kahit di ko naman binoto si Du30 panalo pa rin naman siya sa dami ng supporters nya. Sa tingin ko talagang ang mga tao uhaw na uhaw na sa pagbabago kaya gusto si Du30, madami kasing mga pangako si Digong na kung iisipin mo napaka impossible naman magawa, like reresolba ang problema sa droga in 6 months? (wow eh di siya na talaga!), pero nakikita kasi ng masa na baka nga sha na ang sagot sa problema ng inang bayan, eh di sige tingnan natin. Before election sabi ko ok lang sa akin na manalo si Du30 pero di ko sha iboboto.
Saka na ako mag wento about sa paanu ako napunta ng abroad, madami pa tayong time.
Hanggang dito na muna at me iwewento pa ako sa susunod na post, kinokompose ko na. About mga nararanasan ng iba nating kababayan na nasa abroad.
Bayeeee!! :)
*di ko pag aari mga larawan at wala ako inaangkin sa mga yan.
No comments:
Post a Comment