Monday, May 30, 2016

Kapulutan sana ng aral...

Wento ko lang about sa kalagayan namin dito sa abroad, minsan pag susuwertehin ka magiging masaya ka pero minsan talaga pag mamalasin talagang iiyak ka na lang. Eto isa wento na sana kapulutan aral ng mga nagbabalak mangibang bansa (lalo na dito sa ME). Sa PDOS pa lang naman pinaalam na mga kabawal-bawalan sa bansang pupuntahan mo, pero talagang sadyang minsan matigas ulo ng mga Pinoy (oldo di naman lahat).

Nangyari eto unang buwan ng taon na to, si kabayan eh kakilala ko rin. Tipikal na empleyado tapos mahilig mag gym (pampaganda ng katawan at para na rin sa kalusugan). Nakatira siya sa flat kasama ang 3 pa or 2 pang flatmates (tag isa ng room). Pasensha na kayo mahilig ako gumamit ng parentheses ha. One day, si kabayan hindi nakapasok walang nakakaalam sa job site nya kung bakit, mga flatmates nya ibang planta nag wowork. Si kabayan me sasakyan at mahilig din makiparty sa mga kapwa Pinoy minsan sa mga me family at minsan sa mga tropang bachelor (me ganun kasing paghihiwalay dito sa bansang eto - mahirap unawain pero papaliwanag ko pag me time hehehe). So nagtataka na mga tropa nya sa job site kasi nga bakit wala sha paramdam kung papasok man siya or hinde. Meron din shang mga pasahero sa sasakyan nya everyday at tawag ng tawag pero ring lang ng ring phone nya. Pati family nya nagtataka na rin kasi daily nag ffb chat sila ng nanay nya, pero that day wah paramdam so super alala na rin (imagine ang feeling nung ganun..mag aalala ka talaga).


So di nakatiis tropa niya pinuntahan ngayon sa bahay nya during office hour..so for sure walang tao dun lahat nasa work, so di sila nakapasok sa haus, pero pinagtataka nila andun ang sasakyan ni kabayan. Hala, ano kaya nangyari? Oh eh di bumalik na lang mga tropa nya na wala rin nakuhang malinaw na kasagutan kung asan si kabayan. Then, dumating ang hapon uwian ng mga manggagawa, sinugod talaga ng tropa nya yung lugar at kabadong kabado ang lahat kasi nga baka pag bungad/bukas sa room nya baka di maganda makita. Di basta basta magbukas ng room dito hanggat di naka witness ang me ari ng haus or mga alagad ng batas (mahirap na, tama din naman di ba?). Nakadagdag pa sa kaba eh bakit naka bukas AC ng room, eh ang alam ng mga kasama nya sa flat never umaalis ng haus yun ng di pinapatay ang AC sa room nya so ang hinala ng lahat andun sha (kung ano man situwasyon suspense ito!). Sinira kandado, binuksan ang pinto...ang nakita nila bakanteng kuwarto! So ang tanong ngayon asan si kabayan? Super hanap ngayon ang mga kaibigan saka meron din shang tropa na katutubo sa bansang eto. Super hanap, sa mga beach, sa mga malls sa mga kakilala, sa mga posibleng puntahan then naisip nung katutubo ipagtanong sa himpilan ng Pulisiya at dun nila nalaman na si kabayan ay nakakulong pala. 


Anong kaso itatanong nyo siguro? Hanggang ngayon nga palaisipan pa sa amin kung ano talaga tunay na kaso nya bakit sha hinuli. Maraming haka haka at chizmis na kumalat at ang iba eh talagang mga kakatwa. Ilan dito ay :

> droga
> "inappropriate" massage
> me na meet na tao na under surveillance pala
> at iba pa.

Ayaw kong maghusga kung ano klase tao si kabayan kasi di ko naman sha bantay sarado sa kilos 24 hrs. Pero madami ang sitsit na yung pangalawa ang dahilan kung bakit sha hinuli. Alam nyo na siguro kung ano ibig sabihin nun anoh. Ang kabayan tinutukoy ko eh lalake at ang parukyano kuning kuning eh katutubong lalake din. Wag tayo manghusga di naman tayo judge. Kung ano pa man ang naging kinalabasan ng imbestigasyon nasa kinauukulan na yun, at para malaman nyo hanggang sa sinusulat ko tong post na to eh nasa piitan pa rin si kabayan. 


Ang aral na pinaka malinaw na makikita mo dito ay ang wag magbigay ng lubusang pagtitiwala sa mga taong di mo pa lubos na kilala, lalo na yung nameet mo lang sa kung saang lugar, Di mo alam pagnagkagipitan na madidiin ka kasi sinu ba mas panniniwalaan di ba kundi yung katutubo dito. Kaya dapat talaga maging mapagmatyag at maging maingat sa ating sarili.


Sa pagwawakas ng lathalaing eto, gusto ko lang sabihin na wala ako intensiyon na magpahiya ng tao dahil sa totoo lang di naman ako lubusang kumbinsido na dahil nga dun kung bat sha nakulong. Yun lang ang malakas na chizmax. Kung sakali mabasa nya to, sana di nya masamain. Gusto ko lang maghayag ng wento na sana kapulutan ng aral ng ibang kababayan na andito na or nagbabalak pa lang na pumunta dito na ang batas sa mga ganitong bansa ay mahigpit na pinatutupad di tulad sa kinalakhan natin na pwedeng aregluhin basta me koneksiyon ka at pera, sana di na sa panahon ni Pangulong Digong ganun anoh.


Sa sunod mejo light namang babasahin para sa ekonomiya, ganun!


Pak!


Kanta muna tayo, hanapin nyo yung "tatlong bibe"

www.http://videokeman.com/

PDOS is : Pre-departure Orientation Seminar


Bayeee!!!


*sensha na matext ang post na to.

No comments:

Post a Comment