Bilang ako eh isang OAV at ginamit ko ang aking karapatan sa pagboto siguro naman me "karapatan" ako magparating ng aking mga inaasahang serbisyo mula sa ating mahal na PANGULO. Pero siyempre naman di nya kakayanin ng mag isa yan, ang lahat ay magiging tagumpay lang kung bawat isa ay tutulong at magbibigay ng kanyang parte sa pagkamit nito.
Eto masasabi ko sa mga isyu na sana mabigyan tuon ng bagong Administrasyon at yung iba naman mga nabasa ko lang na ipapatupad daw pagkaupo nya :
- National ID System
- siguro panahon na para maisabatas ito, napakalaking ginhawa eto pag naipatupad ng maayos katulad ng IQAMA dito sa Saudi. Halimbawa na lang bago ka makapag load ng phone required yan, pagbili ng SIM ireregister mo kelangan yan, pag punta ng bangko yang ID na lang yan ang tingnan ok na. pag sa Pinas ginawa to andming kaginhawaan maidudulot, kaya sana maipasa sa panahon ni Pres.Du30.
- Capital Punishment
- ayaw ko sa batas na eto, i feel for those na mga nakaranas ng mga heinous crimes sa family member, pero di naman siguro kamatayan din ang sagot para makuha ang hustisya. oo nga pinatay mo yung pumatay sa kapamilya mo pero makakamtan mo ba ang tunay na kapayapaan ng puso knowing na me pinatay ka din (indirectly hinde ikaw). mas gusto ko pa irehabilitate sila, dalhin lahat ng me sentenshang habambuhay (kesa patayin ikulong na lang) sa isang ISLA, sa dami dami ba naman ng isla ng Pinas 7,107 plus 400 na bagong tuklas malamang makakakita ng isa na pwedeng paglagyan sa kanila then doon sila mamuhay ng payapa. tapos turuan ng mga gawaing pangkabuhayan para me maitulong sa pamilya nila. parang IWAHIG, pero dagdagan pa.
- Drugs/Heinous Crimes
- eto isa sa pang akit ni PaGong nung kampanya ireresolba ang krimen/droga in 6 months, so far from what reality can provide. jusko kahit mag transform pa shang RoboCop di nya kakayanin, kahit pangulo ka di mo kayang hawakan lahat ng taong nasa puwesto, at lalong di mo kayang pasunurin ang kapulisan/militar kung wala kang real "power". pero tingnan natin baka kayanin nya.
- West Philippine Sea
- sana namn ipagpatuloy ang laban sa ating karapatan sa WPS, nasa Arbitration na at kasalukuyang dinidinig kaya dapat mag matigas tayo dahil naubos na pasensha natin sa bilateral talks na di tayo pinansin nung tayo nag aaya ngayon sila nag aaya kasi naghabla na tayo. kaya sana wag naman mabenta ng tuluyan sa dyuhan ang ating kasarinlan sa WPS.
- Contractualization
- wala ako tutol sa pag lusaw sa batas na nagpapahintulot dyan ang problema maraming negosyo ang maapektuhan at kung mas nakakarami ang mawawalan ng trabaho pwede siguro mag meet midway. like bigyan naman ng maayos na pasahod at benefit kahit half lang nung mga permanent ang mga contractual employees.
- A Department for OFWs
- siempre pabor ako dyan, at imerge na POEA at OWWA para isa na lang.
- 4Ps
- maganda tong programa na eto kasi alam ko madami talaga nakikinabang dito, saksi ako sa pagiging masigasig ng mga nabiyayaan nito para makasunod sa mga requirements (meetings etc...). ang take ko lang dyan sana maging mas mahigpit screenings para talagang ang masasali eh ang mga tunay na nasa laylayan na kelangan talaga ng ayuda ng pamahalaan, minsan kasi porke kakilala/kebigan/kamag anak ng nasa puwesto sila ang nakalista sa beneficiary nawawala tuloy ang tunay ng essence ng tulong. saka isa pa yung ALS, maganda ring programa para sa mga out of school individual na gusto bumalik sa pag aaral.
- K12
- nag umpisa ng ipatupad sana ituloy na lang, wag ng alisin. di naman natin makikita ang epekto nyan in span of 2-5 years kundi decades pa. mejo bumababa na rin kasi quality ng ating edukasyon lalo na sa mga pampublikong paaralan.
- AFP Modernization
- sana mag tuloy tuloy pa dahil pag sa mga online games pa na termino sasabihan tayo ng mga kalaro natin na "ang weak poootah".
- Age Limit Requirement sa mga Job Offers
- this is sooo third world vibe, apektado ako dito dahil pag ang sinabi sa ad na "only 21-30 needs to apply" nganga na kami. kaya sana kahit walang batas maging concern na lang mga employer to hire any age basta qualified naman. magbasa ka nga ng sunday newspapaer then punta ka sa mga job offers na section baka less than half ang pasok ka sa age requirement hehehe. o baka ako lang.
- Term Extension ng President/Federalism
- term extension pabor ako dyan kasi di naman talaga sapat ang anim na taon para maramdaman mo ang mga nagawa ng isang pangulo. pwede rin katulad sa US na lang pwede ang 2 consecutive lang na tig 4 years. sa Federalism dapat pag aralan muna.
- Nationwide na Curfew para sa mga Minors
- ok lang to sa mga malalaking siyudad pero sa mga probinsha parang wag na.
- Traffic
- ano pa ba maganda solusyon sa traffic na napakasikip at napaka bagal, isa sa nakakahila ng pag unlad ng isang ekonomiya ang mabagal na paggalaw ng trabahador at mga produkto. sana malinis ang mga sasakyang gumagamit ng kalsada yung mga dyip na sobrang 15 years na pwede na siguro patubuan ng tahong sa Cavite. hehe.
- Pagtaas ng sahod sa mga Pampublikong Empleyado (guro..pulis...etc)
- kung me pera naman pamahalaan bakit hinde.
Ayan na muna mga naalala ko na isyu.
Sige na..bayeeee!!
No comments:
Post a Comment