Ramadan Kareem sa lahat ng mga Muslim brothers!
Dahil Ramadan na mejo tiis tiis din para maramdaman din daw namin ang pag fafasting. Kahit di ka Muslim kelangan mo rin siyempre igalang ang kanilang pag aayuno. Kaya dito sa Middle East lalo na dito sa Saudi Arabia pag ganitong Ramadan eh wala ka makikitang kumakain, nagyoyosi or umiinom sa kalye or anumang pampublikong lugar. Di naman sa bawal talaga, kaya lang bilang paggalang na rin sa kanila kaya halos lahat naman nakikisama at minsan ok din lalo na pag me balak ka mag diyeta, sumabay ka sa fasting. Kahit sa mga office na halos karamihan ng officemates mo eh Muslim tago tago din pag kakain ka, kaya ang tea room walang tea boy (pinabakasyon muna or naassigned sa ibang location). Sanay naman na kami kaya bale wala na lang, atsaka kakasawa din kasi pagkain sa CAFETERIA hmppp!
Ang fasting nga pala nag i-start after ng unang salah (dasal) na ang tawag eh Fajr nila sa umaga yung pagsikat ng araw, hanggang sa paglubog ng araw. Ang "break fast" eh after naman ng salah paglubog ni haring SUN (Maghrib). Break fast (hinde almusal) kundi literal meaning na "to break the fast", ang first intake mo ng food after ng whole day na fasting na usually sweets (dates or other fruits) then laban (soured milk - uso dito sa ME). Kasunod ng break fast eh Iftar na, dun sila magsisikainan na usually parang laging fiesta madaming food talaga. Me mga Dawa'h Center dito na pwede ka maki join sa kanilang Iftar - libre pagkain, pero never ko na try nabalitaan ko lang.
Office hour nila usually either 8AM to 2PM or 10AM to 4PM, 6 hours lang duty ng mga empleyadong Muslim the whole month ng Ramadan, pag non-Muslim naman walang pagbabago 8 hours duty pa din. Mga bangko saka remittance centers nag oopen lang after ng Iftar so mga 8PM na then nagsasara ata mga 12MN, pero ang ibang mga resto at malls mga 2AM na nagsasara.
Oh ayan na muna at parating na sila kasi mag 10 AM na.
Bayeee!!!
No comments:
Post a Comment