Friday, December 8, 2017

The Boy and the Wind (O Menino e o Vento) [1967]

After almost 6 months ngayon lang ako ulit nakanuod ng movie. 

Maganda naman sha wento ng isang Engineer na naakusahan ng pagpatay sa isang teenager na lalake na naging kaibigan nya sa pagbakasyon nya sa isang lugar na kanyang pinuntahan. Inaakusahan din siya na nagkaroon ng seksuwal na relasyon sa batang ito. Kinaelangan nyang bumalik sa lugar matapos nya itong lisanin para harapin ang kaso at dito nag umpisa ang kuwento. Mahiwaga ang pagkawala ng batang lalake dahil di nasabi sa katapusan kung saan na napunta ito. Ang dalawang bida eh parehong mahilig sa hangin. Me kaweirdohan pero lahat naman tayo me kanya -kanyang hilig di ba? So sinu tayo para mangealam. Basta ako nag enjoy ako panuorin to. Me pagka fantasya-fantasyahan din kasi nawala yung bata nung panahon na napakalakas ng hangin. 

Binigyan ko sha ng 7 stars na rating sa IMDB, at magada ang pagkakagawa kahit na itoy sinapelikula noon pang 1967. Kung mahilig kayo sa mga lumang movies pwede nyo i-try to panuorin. Parehong guwapo ang mga bida..hehehe.

Movie Poster.


Title Card.


Eto sila.

Bayeee!!!

No comments:

Post a Comment