Saturday, December 16, 2017

The Golem (Der Golem, wie er in die Welt kam) [1920]

Silent movie eto. Ang mga hudyo na naninirahan sa ghetto ay gustong palayasin ng emperor sa siyudad. Binuhay ni Rabbi Loew si Golem na isang nilalang na gawa sa clay, para maipagtanggol sila sa pamamagitan ng black magic. Nailigtas ni Golem sa kapahamakan ang Emperador kaya bilang ganti ay di na sila pinalayas. Dahil nga galing sa kadiliman ang pagbuhay ke Golem eto ay mahirap pasunurin at naging pasaway sa kanyang amo na si Rabbi, na muntik na ikapahamak ng kanyang anak na si Miriam. Sa huli nabalik sa kanyang dating kalikasan si Golem bilang clay.

6 stars ang binigay ko rito.

Movie Poster.

Title Card.


Eto sila.
Nakakatawa kasi kahawig ni Du30 si Golem. Nyahahaha!
Tingnan nyo na lang dito oh.

Oh di ba PDuts na Pduts ang karakas.

At noon pa man uso na pala ang magician hat, hudyo nga pala sila. 
Lakas maka Professor McGonagall ng Harry Potter series.

Para sa iba pang detalye basahin dito.

Bayeee!!!

No comments:

Post a Comment