Ganyan kahaba ang bakasyon namin/ko (yung iba kasi mga 4 days lang), at dahil wala naman akong lakad nung holidays gumawa na lang ako ng napakaraming MUTA at panis na laway. Siempre sa loob ng mga araw na iyun brinodkast ni Pangulong Duterte ang dirty 5 (5 generals) na umanoy sangkot/protektor ng mga sindikato ng droga. Eh di wow, talang nakakabilib ang bagong Pangulo natin, nakaka ilang araw pa lang pero madami ng pasabog.
Isa pa sa inabangan eh ang Olympics qualification matches ng Gilas para sa larong basketbol para sa darating na Rio Olympics sa November ata. Sa kasawiang palad di na kwalipay ang Gilas kaya antay na lang ulit sa 2020 Tokyo Olympics baka makasilat na. Pero opinyon ko lang dyan sa basketbol, pakiramdam ko naman wala tayo talaga future dyan kasi andyan ang mga napakalalakas na koponan (USA, China, Russia..Spain...etc etc.). Kelangan sa ating mga di naman mashadong katangkaran mag pokus sa mga individual sports na di kelangan ng mashadong height. Wag ipilit sa basketbol kasi tapos na pamamayagpag natin dyan. Nagising na ang Tsina kaya nganga na tayo.
At kahapon lang din naganap ang pinaka aantay na Swimming N' Reunion ng NES Batch 1989-1990. After 26 years ngayon lang naisip na mag reunion ng batch namin. Actually di naman talaga ako miembro ng NES '90 kasi grade 5 lumipat ako ng ibang iskul (di lang basta iskul kundi malayong iskul). Pero ibinilang na rin kami (kasi meron pang iba na lumipat din ng iskul) at sinama sa activities. Bilang di naman ako makaka attend dahil wala naman ako sa Pinas, nanggugulo lang ako sa group chat at ako na rin gumawa ng FB Group namin kasi walang kumikilos. Gusto ko rin banggitin na isa ako sa nag sulong para magkaroon ng reunion sila dun. Imagine 26 years na walang imikan atlis ngayon nagkita kita sila at ang saya-saya nila kahit 8 lang nakapunta. Sa me Pansol Laguna sila nag swim, Villa Padua Private Resorts at dahil di naman summer season kaya mejo mura ang overnight stay (5k lang ata). Kung maitatanong nyo ang balita ko 18 lang talaga ang grumadweyt sa batch na iyon, pero ang naka add sa member ng group 22 (plus 4 na walang FB account), so bale 26 ang member memberan. Kumpleto pa talaga ang mga props me tarp at me uniform hahaha. Maroon is our Color during district meet (Unit 5). Pag me time papakita ko ang hitsura ng uniform na pinagawa, gondohh kasi. Hehehe!
Dahil tapos na Ramadan, balik na uli sa dating work sked ang mga katutubo at siempre di na mahirap kumain kasi bukas na kapeterya.
So ayan na muna at pagod na ako magpindot.
Bayeeee!!
No comments:
Post a Comment