Higit sa pagiging lider ng isang Departamento sa tingin ko ang isang Secretary ang siyang pinaka dapat managot kung ano man mga proyekto at programang dapat na ipatupad sa loob ng anim na taon ng isang Pangulo. Di bat etong si Mr. Secretary naman ang totoong mapagsusukatan kung gaano ka epektibo ang naging mga pasiya na manggagaling sa Pangulo. Kaya dapat lamang na ating malaman at matyagan lagi ang mga taong naitalaga sa mga Departamento na ito. Di naman kasi direktang nangggaling sa Pangulo ang mga pera at papel para magamit or maipatupad ng legal ang isang programa or proyekto kundi sa Secretary ng tamang Departamento di po ba? Kung sana me absolute transparency sa mga kaperahan kung saan nagamit, kung magkano nagamit, eh sana maiiwasan ang korupsiyon. Kaya marapat lamang na alamin natin kung sinu-sino sila.
source : here
Bayeee!!
No comments:
Post a Comment