Wow na wow, yan ang pakiramdam ko kasi pumabor sa panig ng Pilipinas ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague. Although ramdam ko naman talaga sa umpisa pa lang na mananalo ang Pinas. Para sa mas detalyadong impormasyon basahin mo dito.
Eto i quote ko lang si CNN.
"An international tribunal in The Hague ruled in favor of the Philippines in a maritime dispute Tuesday (July 12, 2016), concluding China has no legal basis to claim historic rights to the bulk of the South China Sea."
CNN.
BBC
Al-Jazeera
ABC
RT
CCTV America
Euronews
ABS-CBN News
CNN Philippines
PhilStar
Pero sa kabila ng lahat ng tagumpay na eto ano nga ba ang susunod? Pwede ba nating paalisin ng puwersahan ang mga naitayong istruktura ng mga Tsino sa mga reef/atoll na pinag aagawan? Sa pagkakaalam ko wala naman implementing agency para sa ruling na binigay. Eto ay magiging basehan lamang sa mga pang hinaharap na mga ganap. Halimbawa (eto ay sapantaha ko lang naman), kung itutuloy ng mga Intsik ang plano na palubugin ang barko na Sierra Madre eto ay magiging "act of provocation" at sa nabasa ko malamang magiging hudyat eto para tayo saklolohan ng Amerika, eto ay sa dahilang ang barkong nabanggit ay isa pa ring Commissioned vessel ng ating Hukbong Pandagat. At batay sa Mutual Defense Treaty ng Amerika at Pilipinas, marapat lamang na saklolohan ang bansang naagrabyado pag kinakailangan. Ang mga mangingisda na naglalayong pumalaot sa mga sakop ng ating EEZ para mangisda ay hindi dapat hadlangan or takutin ng ibang estado (lalo na ng Tsina). Sa nasabing ruling sinasabi ng Tribunal na walang basehan ang claim ng Tsina na 9-dash line, at dahil dito pinaka mangingibabaw pa rin na batas ukol sa isyu ay ang UNCLOS agreement na isa sa mga naglagda ay ang bansang Tsina, nakasaad dito ang mga batas ayon sa EEZ.
Di ba isang malaking kahibangan to?
Nakakagalit ang mga pinag gagawa ng Tsina na eto, porke ba maliit lang ang bansa namin at kayang kayang nila kami sa aspetong militar, ganyan na sila sa amin. Sinisira nila ang kapayapaan sa parteng eto ng Asya, dahil di lang naman Pilipinas ang kanilang inaaway kundi andyan ang Japan, Taiwan, Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei. Sana maayos na ang hidwaan na eto, pero di ako pabor sa "joint exploration/development" na pinagsasabi ng iba, kung atin talaga ang lugar na iyan bakit kelangan natin makihati. Mashadong lang talagang nagpapakadupang ang Tsina. Pero ang nakakatuwa halos ang karamihan ng mga bansa eh kakampi ng Pinas, ang nakikisimpatya lang sa Tsina ay ang kokonting bansa sa Africa na pinaglagakan nila ng investments. Utang na loob "friends with benefits" lang peg ng mga yan, tulad ng pinagbebenta ng Tsina na mga produkto eto ay pawang mga peke at mababang kalidad. Kaya wag kami!!!
Kahit eto na lang ang panlaban namin, di kami padadaig.
Oh ayan na muna.
Bayeee!!!
No comments:
Post a Comment