Sunday, July 10, 2016

Napanuod ko na

Sa loob ng nakaraang 9 na araw ng HOLIDAYS dalawang pelikula lang napanuod ko, bale iniisa-isa ko kasi panuorin lahat ng Oscar Best Picture Movies since 1928/29 (the first being Wings). Pinanuod ko last week is Rebecca (1940) at How Green Was My Valley (1941). Pareho pa silang B&W pero nakakabilib na rin ang mga palabas na eto, no wonder panalo sila sa Oscars.

Rebecca (1940) - eto ay kuwento ni Mrs. de Winter (Joan Fontaine) bilang pangalawang asawa ni Mr. Maxim de Winter (Laurence Olivier) - kung saan hinango ang parangal na Laurence Olivier Awards (na napanalunan na ni Philippines' pride Lea Salonga), para sa mga aktor ng Entablado na gumaganap sa West End ng London. Si Mr. de Winter ay nabalo at ng magkita sila ni future Mrs. de Winter 2 (Fontaine, sadyang walang first name si Mrs. de Winter 2 sa pelikulang eto) nagkainlaban at pinakasalan nya agad. Hindi mashadong naging madali ang pagbabalik ng bagong Mr. & Mrs. de Winter sa bonggang bahay/estate nila - Manderley, dahil ang nangagasiwa sa bahay na eto ay ang dating naging tapat na tagasilbi sa unang Mrs. de Winter eto ay si Mrs. Danvers "Danny" (Judith Anderson). Ayaw nito na magkaroon ng kapalit ang dating amo kaya pinagmamalditahan nya ang bagong Mrs. Sa huli nagkaroon ng istoryang kumplikado dahil ang inaakala ng lahat na sanhi ng pagkamatay ng unang Mrs. na pagkalunod ay pinagdududahang murder eto dahil ang bangkay na inakalang nakita nila sa pampang ay di pala sa unang Mrs. Ang lahat ng eto ay alam ni Mr. de Winter at pinakatago tago nyang sekreto pero inamin nya sa pangalawang Mrs. dahil natuklasan na ang nawawalang bangkay ng unang Mrs na nakalubog sa ilalim ng karagatan. Nagkaroon ng panibagong imbestigasyon at inakusahang sinadyang patayin ni Mr. de Winter ang asawa, ngunit ang totoong wento ay ganito, di naging maayos ang pagsasama ng mag-asawa pero dahil isang malaking eskandalo pag mag hihiwalay nanatili silang mag-asawa pero pasaway si Mrs. de Winter 1, nagkaroon ng malubhang sakit si Mrs. de Winter at ng minsang magkasagutan at mag away sila ni Mr. de Winter bigla na lang etong natumba at nabagok ang ulo sa pagtama sa bakal (walang alam si Mr. de Winter na sinadya ni Mrs 1 na tumama talaga sha sa bakal para mapagbintangan si Mr. na pinatay sha, dinala ni Mr. de Winter ang asawa sa isang bangka at pinalubog eto para maitago at pinalabas na nalunod eto sa isang aksidente. Sa huli ng pelikula napawalang sala si Mr. de Winter at ng pauwi na siya sa Manderley kasama ang katiwala nakita nila na nasusunog eto. Di naman nasunog si Mrs. de Winter 2 pero makikita na eto ay sinadya ni Mrs. Danvers sunugin at sya ay nasamang nasunog ng Manderley.

How Green Was My Valley (1941) - eto ay kuwento ng isang pamilya (mga Morgan) na ang kinabubuhay ay ang pagtatrabaho sa isang minahan (coal). Nagustuhan ko ang tema ng wento kasi pamilya sha, merong 6 anak na lalake at 1 babae. Dahil nagsasara na ang ibang minahan marami ang dumadayo sa kanilang lugar para maghanap ng trabaho at kahit maliit na sahod tinatanggap kaya ang mga dating trabahador napapalitan ng mas maliliit ang alok na pasuweldo, 2 sa mga nawalan ng trabaho na anak ay naisipang umalis na lang at pumunta ng Amerika (nasa Wales sila - parte ng UK). Nag asawa yung anak na panganay pero naaksidente at namatay (buntis ang asawa bago eto namatay). Dalawa sa mga anak ay napasali sa unyon at dahil dito nawalan din sila ng trabaho (umalis din mga eto at pumunta Amerika). Naiwan ang tatay at ang bunsong lalake. Ang babae ay pinakasal sa anak ng me ari ng pabrika kahit ang mahal nito ay ang bagong dating na pastor ng simbahan, pagkakasal nanirahan ang mga eto sa South Africa. Ang wento ay halos nasentro sa pakikibaka sa buhay ng busong anak na si Huw at ginusto na ring maging trabahador sa minahan kahit bata pa. Napakagaling ng gumanap nilang nanay kasi matapang eto at mapagmahal sa pamilya. Sa wakas ng wento namatay ang tatay ng pamilya at bumalik ang anak na babae.

Bukod sa pelikula pinapanuod ko rin
  • Friends
  • Seinfeld (natapos ko na rin last week)
  • Red Dwarf
  • Doctor Who
  • Quantum Leap
  • That 70s Show
Maraming salamat sa pagbasa.

Bayeee!!

No comments:

Post a Comment