Tuesday, July 12, 2016

Abroad pa more...

Bakit nga ba maraming FILIPINO ang nangingibang bansa?


Isa sa pinaka pangkaraniwang dahilan eh ang kawalan ng pantay at sapat na oportunidad sa Pilipinas. Sa tingin ko me katotohanan sa iba pero sa naging situwasyon ko hinde naman siguro. Umalis ako sa Pilipinas na isang permanenteng empleyado sa isa sa mga tinatawag na Universal Bank. Maayos naman ang pasahod (2007 nasa 16k plus na basic ko), me mid year bonus, annual bonus, performance bonus at siempre isama pa dyan ang Christmas Bonus at 13th month pay. Pero naisipan ko pa ring umalis dahil sa gusto ko lamang magkaroon ng experience ba sa buhay abroad. Naaalala ko pa, kinausap ako ng Head ng Department namin para alamin ang dahilan ko sa pag-alis at hinihikayat na wag na munang umalis. Isa sa pinagpipilitan kong dahilan eh gusto ko mag abroad at dahil nga nag aaply na ako nun , sabi ko para kahit ano oras ako magliban sa trabaho for interview  or para mag asikaso ng dokumento di ako makakasagabal sa trabaho. Sabi pa ng Boss ko pwede naman daw ako wag na muna mag resign at habang di pa naman nakakakita ng siguradong pupuntahan pwede naman daw na mag leave pag kelangan talaga, pero di talaga ako nagpapigil.


At ayun na nga nakapag abroad ako after few months or weeks di ko na tanda. Sa pangingibang bansa minsan suwertehan din, meron mga nakaka-alis na napupunta sa magandang trabaho at meron din naman na sa hinde kagandahang puwesto. Meron ako naging tropa na nakapunta dito sa Saudi at napunta sa isang maliit at nag-uumpisa pa lamang na Contracting Firm. Imagine board passer na Inhenyero tapos minsan nadedelay ang sahod at dahil walang nakukuhang project ang firm, natetengga sha sa opisina kaya kung ano ano na lang pinagagawa sa kanya. Sa huli umuwi na lang siya at lumipat ata sa ibang bansa, wala na rin ako balita sa kanya.


Gusto ko lang ipunto na di naman lahat ng nag-aabroad eh napupunta sa mahirap na trabaho or kalagayan, madalas kasi nababalita sa TV na meron mga kababayan tayo na napapahamak, naapi or naagrabyado sa kanilang trabaho. Siguro madami nga pero mas madami ako kakilala at nababalitaan na maayos naman kalagayan nila at sa totoo nga eh nagtatagal sila sa pag aabroad kasi nasanay na or dahil maganda naman ang kanilang napuntahang kumpanya. Ang isa na nakikitang magandang benepisyo eh walang bawas ang buwanan mong sahod dahil wala naman income tax sa karamihan ng ME countries (pero wag nyo isipin na di kami nag aambag ng buwis sa gobyerno kasi ang lahat ng perang napapadala sa pamilya namin eh lahat dumadaan sa serbisyo at produkto na me pataw na buwis) Bukod sa tax, kung ang trabaho mo eh opisina maayos ang iyong kapaligiran kasi malamig lagi, me maayos kang tranportation, minsan unlimited pa internet. Sa pagkain mejo maninibago ka kasi tulad dito sa KSA walang baboy so ang choice mo lang is GULAY, MANOK, ISDA at BAKA, pero masasanay ka din. Kakamiss din kaya ang karne ng baboy, lalo na yung mejo me taba taba..hehehe! Kung maayos ang kumpanya mo at napunta ka sa magandang assignment me option pa para mag live-out ka sa halip na nasa KAMPO ka at kasama mo sa isang kuwarto ang minsan ay limang kapwa Pinoy. Pag nasa kampo maganda rin naman kasi wala ka ng iisipin pa, kakain ka na lang, me taga laba, libre transportation, bahay at minsan pati personal items (sabon, toothpaste....etc). Kaya kung me kuya ka or kaibigan na dinadayalugan ka na kesyo "ang hirap hanapin ang pera sa abroad, di pinupulot ang pera, nagtitiis kami ng homesick para kumita, etc etc.." utang na loob minsan echos na lang yun. Di mo alam ang sarap ng buhay ng mga yan, pag nasa office maghapon chat at internet browsing..kakain sa tanghalian ansasarap ng pagkain sa cafeteria (oldo minsan kakaumay na, still masarap pa din), pag walang ginagawa chismisan ng chismisan, pa-uwi ansarap ng upo sa service di pagod mag drive (or mag commute), pag nasa bahay na kakain na lang (pag nasa kampo, pag live out kakain sa labas), magdamag naglalaro ng COC or nag ffb fb lang, pag weekend maghapong maglalaro or maglalakwatsa, pag gabi walang istorbo sa tulog kasi di kasama ang pamilya (nasa Pinas) so hindi nagpapadede or nagpapalit ng diapers. Kaya pwede ba pag narinig mo ulit nag reklamo kuya mo or asawa mo na mahirap buhay sa abroad...sagot mo "UTOT MO" sabi sa nabasa kong BLOG di naman, SUS! Pero siempre di lahat pare-pareho ang situwasyon.


Me wento pa sa mga susunod...about buhay ABROAD.
Nga pala mag 10 years na ako nasa abroad sa 2017.


Yan muna at pagoda na ako.

No comments:

Post a Comment