Showing posts with label KSA. Show all posts
Showing posts with label KSA. Show all posts

Monday, August 20, 2018

Friday, August 10, 2018

money isn't everything..patience is!

and we shopped last night and we have no car. our taxi dropped us and left but the driver gave his mobile number (bless u habibi). so we've done marketing and wahhlaaaa..we have our phones but mine has no SIM for calling nor internet connection for careem/uber (so why bring the phone..WTF..hahaha..for selfie!) my friend had SIM but no balance to call. waited for a good 30 minutes before we decided to buy load for his mobile and then the rest is a story only not worth remembering..HAHAHA!

waiting...waiting...and still waiting...


bayeee!!!

Wednesday, June 13, 2018

tong mantikang toh!

tamo nga ugali nitong mantikang toh, yung dati kong binili tag 12 SAR.
tapos nung nakaraang araw bumili ako ulit 9.95 SAR na lang.

at eto dahil ramadan sale tag 7.75 SAR na lang.

anak ng kagang!
di ako alam kung healthy ba ang sunflower oil, sa Pinas kasi madalas Canola oil ang binibili ko.

inferness bumababa presyo ng bilihin sa Kingdom or dahil Ramadan lang ngayon?
samantalang sa Pinas sinasagasaan na tayo ng TRAIN.
#nganga
Bayeee!!!

Monday, April 16, 2018

birthday ko ngayon!

at napagod ako kaka reply at kakapindot ng LIKE button sa fb page ko. hayyy.. pero ok lang kasi alam ko madami ako kebigan at kapamilya na nagmamahal sa akin. pero isang pamangkin lang bumati sa akin eh 12 sila eh. hahaha. mga walang net! hmpppp! tapos sa mga kapatid ko wala kahit isa eh 3 sila eh. naku naku..kakatamad tuloy mag padala ng remittance. 

but still, it's a happy birthday to me.

teka popost na lang ako ng payummy kong picture..hahaha!
sabay sabay tayong maasar at maumay.
bwahahaha!
k lang yan birthday ko naman today.

Saturday, March 31, 2018

12th Yanbu Flowers & Gardens Festival - 2018

This is so late upload.
Nung March 08 pa kami pumunta dun, though hanggang ngayon open pa sha at extended hanggang April 07, kasi dapat close na sha nung March 25 eh siguro madami pa din ang pumupunta that's why.
Enjoy much, kumpara last year mas maganda ang pasavogue ngayon...dinaig ang shire ni teletubbies at ni Frodo Baggins. Cheret!!









Bayeee!!!

Tuesday, February 27, 2018

Food for the Gods..i mean Goddesses!

Just recently lumipat kami ng "condo" (ahem!!), at siempre kasama ko lumipat ang dalawa ko pang kasama sa trabaho dito sa Kaharian ni Abdullah. So si friendship mahilig mag cook at bet nya mag babad sa kusina, na me linyahan pang "happy place" ganern ganern. Tsaarr! Infairness wala pa kaming 1 month pero 2 beses na sha nag bake ng banana cake, at today eto ang pasavogue nya..food for the gods! Hong toroy! Me pa ganun ganun.
Siempre masarap naman to for sure, just like the banana cake.
#damingpasavogue
#goddess
#sugarpamore
#110angsugarkokanina

Bayeee!!!

Saturday, February 10, 2018

Sunday, December 17, 2017

Sunday, May 7, 2017

kakatamad....

  • dumaan ang birthday ko, di ako naghanda
  • malapit ng lumabas ang baby boy namin : KENDRICK LORENZ
  • sana makauwi ako ng Pinas at makabalik ulit dito sa Kingdom
  • lilipat na ako ng kumpanya, after 10 years!
  • sarap ng magbakasyon, kaka pagod din ah
  • shutdown ang planta kaya busy sila, minsan lang naman ako madamay pero kakapagod
  • masaya kahit wala mashadong pera

Monday, November 7, 2016

Bakasyon 2016

I'm back from my annual vacation in my home country (The Philipines).
Kakatamad pang pumasok, parang ansarap pang maglakwatsa sana sa Pinas, kaya lang 1 month lang talaga ang binigay na bakasyon sa akin. Kung yayamanin na sana ako, eh di mag stay na ako for good sa Pinas para maka gala to infinity..hmppp! Dami kong namissed na prediction games sa Misso, di kagandahan ang signal ng 3G sa probinsha kaya di ako makapag online lage. Anyways, super enjoy ang aking bakasyon kasi nagawa ko ang maka attend sa tatlong reunion ng mga batchmates ko (Elementary, HS at College) oh davah, saya saya! At siempre nag bonding bonding kami ng anak ko at labing labing ng misis ko, hehehe. Hoping na nagbunga pagpapakapagod namin ni misis ng ilang gabi...charrr!! At sana next baby eh boy naman. Eto balik na naman sa maumay na pagkain ng manok, baka, isda at gulay sa KSA. Wala naman kasi baboy dito...kakasad! Yan na muna at me puntahan pa me..


Bayeeeee..!!

Tuesday, July 12, 2016

Abroad pa more...

Bakit nga ba maraming FILIPINO ang nangingibang bansa?


Isa sa pinaka pangkaraniwang dahilan eh ang kawalan ng pantay at sapat na oportunidad sa Pilipinas. Sa tingin ko me katotohanan sa iba pero sa naging situwasyon ko hinde naman siguro. Umalis ako sa Pilipinas na isang permanenteng empleyado sa isa sa mga tinatawag na Universal Bank. Maayos naman ang pasahod (2007 nasa 16k plus na basic ko), me mid year bonus, annual bonus, performance bonus at siempre isama pa dyan ang Christmas Bonus at 13th month pay. Pero naisipan ko pa ring umalis dahil sa gusto ko lamang magkaroon ng experience ba sa buhay abroad. Naaalala ko pa, kinausap ako ng Head ng Department namin para alamin ang dahilan ko sa pag-alis at hinihikayat na wag na munang umalis. Isa sa pinagpipilitan kong dahilan eh gusto ko mag abroad at dahil nga nag aaply na ako nun , sabi ko para kahit ano oras ako magliban sa trabaho for interview  or para mag asikaso ng dokumento di ako makakasagabal sa trabaho. Sabi pa ng Boss ko pwede naman daw ako wag na muna mag resign at habang di pa naman nakakakita ng siguradong pupuntahan pwede naman daw na mag leave pag kelangan talaga, pero di talaga ako nagpapigil.


At ayun na nga nakapag abroad ako after few months or weeks di ko na tanda. Sa pangingibang bansa minsan suwertehan din, meron mga nakaka-alis na napupunta sa magandang trabaho at meron din naman na sa hinde kagandahang puwesto. Meron ako naging tropa na nakapunta dito sa Saudi at napunta sa isang maliit at nag-uumpisa pa lamang na Contracting Firm. Imagine board passer na Inhenyero tapos minsan nadedelay ang sahod at dahil walang nakukuhang project ang firm, natetengga sha sa opisina kaya kung ano ano na lang pinagagawa sa kanya. Sa huli umuwi na lang siya at lumipat ata sa ibang bansa, wala na rin ako balita sa kanya.


Gusto ko lang ipunto na di naman lahat ng nag-aabroad eh napupunta sa mahirap na trabaho or kalagayan, madalas kasi nababalita sa TV na meron mga kababayan tayo na napapahamak, naapi or naagrabyado sa kanilang trabaho. Siguro madami nga pero mas madami ako kakilala at nababalitaan na maayos naman kalagayan nila at sa totoo nga eh nagtatagal sila sa pag aabroad kasi nasanay na or dahil maganda naman ang kanilang napuntahang kumpanya. Ang isa na nakikitang magandang benepisyo eh walang bawas ang buwanan mong sahod dahil wala naman income tax sa karamihan ng ME countries (pero wag nyo isipin na di kami nag aambag ng buwis sa gobyerno kasi ang lahat ng perang napapadala sa pamilya namin eh lahat dumadaan sa serbisyo at produkto na me pataw na buwis) Bukod sa tax, kung ang trabaho mo eh opisina maayos ang iyong kapaligiran kasi malamig lagi, me maayos kang tranportation, minsan unlimited pa internet. Sa pagkain mejo maninibago ka kasi tulad dito sa KSA walang baboy so ang choice mo lang is GULAY, MANOK, ISDA at BAKA, pero masasanay ka din. Kakamiss din kaya ang karne ng baboy, lalo na yung mejo me taba taba..hehehe! Kung maayos ang kumpanya mo at napunta ka sa magandang assignment me option pa para mag live-out ka sa halip na nasa KAMPO ka at kasama mo sa isang kuwarto ang minsan ay limang kapwa Pinoy. Pag nasa kampo maganda rin naman kasi wala ka ng iisipin pa, kakain ka na lang, me taga laba, libre transportation, bahay at minsan pati personal items (sabon, toothpaste....etc). Kaya kung me kuya ka or kaibigan na dinadayalugan ka na kesyo "ang hirap hanapin ang pera sa abroad, di pinupulot ang pera, nagtitiis kami ng homesick para kumita, etc etc.." utang na loob minsan echos na lang yun. Di mo alam ang sarap ng buhay ng mga yan, pag nasa office maghapon chat at internet browsing..kakain sa tanghalian ansasarap ng pagkain sa cafeteria (oldo minsan kakaumay na, still masarap pa din), pag walang ginagawa chismisan ng chismisan, pa-uwi ansarap ng upo sa service di pagod mag drive (or mag commute), pag nasa bahay na kakain na lang (pag nasa kampo, pag live out kakain sa labas), magdamag naglalaro ng COC or nag ffb fb lang, pag weekend maghapong maglalaro or maglalakwatsa, pag gabi walang istorbo sa tulog kasi di kasama ang pamilya (nasa Pinas) so hindi nagpapadede or nagpapalit ng diapers. Kaya pwede ba pag narinig mo ulit nag reklamo kuya mo or asawa mo na mahirap buhay sa abroad...sagot mo "UTOT MO" sabi sa nabasa kong BLOG di naman, SUS! Pero siempre di lahat pare-pareho ang situwasyon.


Me wento pa sa mga susunod...about buhay ABROAD.
Nga pala mag 10 years na ako nasa abroad sa 2017.


Yan muna at pagoda na ako.

Monday, July 11, 2016

This is Artsy.

Asked my friend that I will post his finely crafted paintings on my blog. I'm not that so artistically inclined person but I find these paintings relaxing and calm. Would you agree? Your thoughts?


Daan ng Kapighatian (Watercolor on Paper)


Sa Kabukiran (Watercolor on Paper)

Lawa ng Kariktan (Watercolor on Paper)

Hope you liked it 'coz i really do.
Bayee!!

Thursday, June 30, 2016

152 - Saudi Arabia

Official Name : Kingdom of Saudi Arabia (KSA) 
  International Rankings :
  • 1st in oil exports
  • 2nd in proven oil reserves
  • 2nd in oil production
  • 3rd in military expenditures
  • 12th in GDP (PPP) per capita
  • 13th in Area
  • 39th in HDI (Human Development Index)
  • 41st in Population
  • 80th in Life Expectancy (both sexes)
  • 80th in birth rate
Naaalala natin ang bansang ito dahil sa : 
  • Islam
  • Langis
  • Capital Punishment
  • Arabic Numerals
  • mga lalakeng nakasuot ng puting dress
  • hajj
  • camel
  • disyerto
  • OFW (tulad ko)
  • maong na jacket
  • gold gold gold
Interesting Places to Visit :
  • Diriyah in Riyadh (click here for more info)
    • old palaces
    • ruins of old town
    • a UNESCO World Heritage Site
  • Mada'in Saleh in Al-Ula (here)
    • archeological site from Nabatean times
    • a UNESCO World Heritage Site
  • The Gate to Makkah, Jeddah (here)
    • old city
    • a UNESCO World Heritage Site
  • Rock Art in the Ha'il Region (here)
    • a UNESCO World Heritage Site
  • Jeddah
  • Mecca
  • Medina
  • Ta'if
  • Riyadh
sources : wikipedia google
Bayeee!!