Showing posts with label sogo. Show all posts
Showing posts with label sogo. Show all posts

Tuesday, November 14, 2017

SOGO Personal Care Kit - Ano nga ba laman?

Ang pagkakaalam ko bibigyan ka nito pag more than 6 hrs ang stay mo sa kanilang premium rooms or better. Di ko sha nagamit kasi gusto ko talaga sha iuwi hahaha (typical pinoy - or mahilig lang mag kulek). Saka me dala akong kikay kit that time, and so inamin ko na akin to hahaha, pero siempre mag isa lang ako nyan. Nag overnight lang kasi gusto ko lang ma feel konti ang privacy, saka tinatamad na ako umuwi ng Cavite. Tsaar!

So ano nga ba ang laman nito?

Teka eto pala mga branches nila kung gusto nyo rin makitulog.

 Nakasulat naman pala. Juice colored!

Dyaraaaaaannn!!

Enfernes kumpleto naman pala kung ano nakasulat, yun lang di ko need nung suklay. :)
Pero nagtataka ako bakit me ketsup? 
Eto kaya eh sadyang kasama or nailagay ko lang dyan kasi umorder din ako ng dinner nun eh. 
Hmmmm...

So ayun na nga, ngayon alam nyo na kung ano laman nya (dun sa mga di pa naka pasok ng Sogo or yung mga short time lang ang peg). At di ko kayo iniismol, eto ay pag sishare lang kasi kahit sinu naman kayang kayang pumasok dyan, di naman to pang mayaman. 

Next time ibang walang kawenta wentang bagay tayo ulit.

Bayeeeee!!!

Friday, November 10, 2017

Who's back?

Ako!!!

Matapos ang limang buwang pamamahinga, eto at na excite na naman ako ulit magsulat. Kase naman pinauwi kami dahil sa nawalan ng kontrata ang aming sponsor sa kumpanya na pinag suplayan sa amin kaya kelangan namin mag exit. At nagka problema pa ako sa aking medical test sa Pinas at dahil mejo mashado mahaba para ipaliwanag, pabayaan na lang natin sha at i-chacharge ko na lang sa experience ang lahat. Ayan tuloy di ako nakakapag entry sa mga prediction games ng Misso. But am so happy for the overly long vacation kasi nakasama ko family ko, and just in time sa panganganak ng misis ko (our 2nd baby - and a baby boy at that!). 

Andaming nangyari at mahirap ng balikan para i-wento pa lahat. Gusto ko mag post muna ng mga kaweirdohan ko at kung anu-ano pang kababawan at mga walang kawenta wentang bagay. Hahahaha.

  • alam nyo ba kung ano ang laman ng complimentary sogo pack (whatever man tawag nila dyan)?
  • nangungulek ka rin ba ng soda can tabs (sabi nila para mapapalitan ng wheelchair), ng takip ng 5 galloon mineral water, ng printed table napkins, ng refreshing tissue, ng air sickness bags, ng boarding passes? etc..etc.
  • tinatago mo ba mga niload mong phone cards? ako uu, hahahaha!
  • pati mga expired na kung anu-anong cards nakatago lahat.
  • at mas malala pag sa Pinas ako nag halungkat kasi mas madami akong BASURA dun.
Ako kasi ang taong mahirap mag let go sa mga bagay bagay. Halos lahat tinatago ko kahit alam ko na wala naman halaga (imagine resibo at withdrawal slips di ko tinatapon, gosh!)

Anyways, kahit ano na lang na naitago ko dito sa bahay pictyuran ko at ipost ko dito kasi alam ko wala naman ako mashado readers (or meron nga ba?) kesa sa FB ko ipost dito na lang.

Yun lang at welcum back sa AKIN!

Bayeee!!!