Showing posts with label buhay OFW. Show all posts
Showing posts with label buhay OFW. Show all posts

Monday, December 31, 2018

HNY 2019

as usual wala naman akong handa, makikikain lang ako ke Miss France kasi me papansit sha at pa lumpia. tapos punta kami NCMS para makikain din, then pag me time pa magbobowling kami sa Bowling Planet Entertainment Center.

happy new year sa inyong lahat mga earthlings!
goodbye 2018...hello 2019!
Bayeee!!!

Tuesday, October 30, 2018

Mini Tourney

ayan sa sobrang kaadikan sa bowling meron kaming mini-tourney. apat lang participants kaya lahat kami me medal at premyo. oh davah, vongga!
 
at ang premyo ay vongga din naman, imagine 75 SAR tapos me trophy ka pa. sa entrance fee na 50 bawi ka na. me mga sponsors po kasi kaming nalapitan, me pinoy at meron ding Saudi. hehehe!


bayeee!!!

Thursday, September 6, 2018

me pa bowling!

paminsan minsan kelangan din natin ng konting pakikihalubilo sa ibang nilalang. sana eto na ang umpisa ng isang mas masaya at mapayapang samahan ng magkaka tropa. pagkatapos daw ng paliga ni meyor me pa swimming (#looking_forward). yohoo!!!


Bayeee!!!