Monday, November 21, 2016

Late Reaction

About this Marcos burial...di ako loyalista at di rin naman ako anti-Marcos, gusto ko lang ilagay ang mga bagay bagay sa tamang konteksto. Sabi ng mga maka DU30 na minsan maka Marcos na din Korte Suprema na ang nag desisyon para malibing si Apo Macoy sa LNMB, pero me kulay pulitika din kasi yang SC natin, imagine sila sila din yung pumabor para makalaya si (Enrile ba?). Mga appointeed sila ni GMA (kung tama nabasa ko ha). Wala ako problema kung malibing man yang si Apo sa LNMB, kasi naging sundalo din naman sha tapos ex-President din. Ang pinaglalaban naman ng mga ayaw sha malibing dun eh ang mga records nya nung President pa sha na mga human righs violations. Pero ayun na nga at nalingat sila kaya nalibing ng tahimik si Apo sa LNMB, ngayon gusto pa ipahukay (anak ng kepyas!). Sana mag move-on na lahat.


Kung me mga kaso pa na dapat ihabol sa mga Marcoses eh di isampa sa korte, kung about sa human rights chuchu..eklavu. Sana maging kuntento na ang lahat sa mga nangyayari sa ating Inang Bayan. Maayos naman pamamalakad ni Digong, kung ayaw nila sa kanya eh di lipat sila ng bansa total me kapasidad naman yung iba para mangibang bansa at tumira na dun. Sa panahon ngayon dapat pagkakaisa na ulit at itigil na ang pagkakanya-kanya at pagkakampi-kampi alam naman ng lahat na walang naidudulot na mabuti yan lalo na sa isang Demokrasyang bansa tulad ng Pinas.


Nakikisimpatya din naman ako sa kung sinu man ang nakaranas ng kalupitan or pananakot, pagmamaltrato nung panahon ng Martial Law. Kahit di ko naman personally naranasan, siguro nga para sa iba impiyerno ang buhay noon lalo na at oposisyon ka ng gobyerno. Pero sana magkaroon na ng "closure" para naman makapag move forward na ang ating bansa. Nabigyan naman na ata ng tamang pagkilala ang mga biktima, kasi sila ang naging tugon para wakasan ang pagiging diktador ni Apo, at di rin naman nakakalimot ang mga Pinoy.


Yan na muna at papakainin ko muna mga alagang bibe.


Bayeee!!

No comments:

Post a Comment