Monday, July 11, 2016

RIP Bossing.

At ngayon ko lang napagtanto na masyado na akong huli sa pag ba-blog na ito, pero ok lang ganun talaga pahirapan sa umpisa at wala naman ako gusto ma-achieve kundi magsulat lang talaga ng kahit ano. Di ko gagawing hanapbuhay to dahil feeling ko wala naman ako masyadong talent, hahaha! Marami lang talaga ako nasasabi kahit minsan wala naman sense saka walang masyadong ginagawa kaya nakakapagsulat. Wala man lang akong idea kung ano magiging pangunahin kong tatalakayin sa BLOG na ito. Nakikita ko na halos wala akong bisita sa BLOG na nasa Pilipinas pero Tagalog pa rin ako ng Tagalog. Kaya yung huli kung post mejo nag English naman ako ng konti, kung maa-aapreciate nila salamat kung hinde, eh ok lang. Meron akong tropa na siyang numero uno kong kritiko at taga basa ng mga walang wenta kong post at sabihan ko ng mga sensitive details ng aking buhay. Pag trinaydor ako nito, ipapatumba ko ke Du30. Hahaha!

Medyo inaaral ko pa ang layout at designs ng blog kaya minsan paiba iba ang hitsura. Sabagay wala naman naapektuhan dahil naligaw lang mga nagbabasa nito. Sad life!

Sad kasi meron isang amo dito na na dead, kagabi lang kasi na heart attack daw. Siya ang amo ng isa kong tropa dito at ang opisina nung amo eh andito lang din sa malapit sa amin. Nakakalungkot talaga kasi di mo aakalain na yung taong nakikita mo na masaya, mabait at palabati eh bigla na lang mawawala. Pero ganun talaga ang buhay, masakit man tanggapin darating talaga ang oras ng bawat isa na iiwanan ang Earth na ito. So SLN ang kaluluwa ni Sir, naiyak nga tropa ko nung mabalitaan nya to.

Oh sya yan na muna.

Bayeee!!

No comments:

Post a Comment